Sub-leader ng Abu Sayyaf patay sa engkwentro sa Basilan

By Dona Dominguez-Cargullo July 16, 2019 - 01:02 PM

Patay ang isang ring leader ng Abu Sayyaf Group sa engkwentro na naganap sa Basilan.

Ayon kay Brig. Gen. Fernando Reyeg, commander ng joint task force Basilan, kinilala ang bandido na si Arod Wahing, sub-leader ng ASG na naka-base sa Sulu operation camp na pinamumunuan ni Radulan Sahiron.

Ani Reyeg, si Wahing ay pinagkakatiwalaang Sulu operator ng Abu Sayyaf.

Nagsagawang joint operation ang militar at Basilan Police sa Barangay Parian Baunoh sa bayan ng Lantawan, Lunes (July 15) ng umaga para magsilbi ng arrest warrant kay Wahing.

Pero sa halip na sumuko ay bumunot ng baril ang bandido dahilan para paputukan siya ng mga otoridad.

TAGS: Abu Sayyaf, Basilan, sub leader, Sulu, Abu Sayyaf, Basilan, sub leader, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.