Kinilala ang mga naaresto na sina Ben Tan, Haitao Wang, Dechun Qin, Yong Fei Chan, Xiao Qiang Yang, Dong Zheng Wen, Beijun Lin at Jun Wang.
Samantala, hinuli rin ang Filipino na si Jomar Demadante dahil siya umano ang nagbabantay sa mga dinudukot sa isang bahay sa Las Piñas City.
Sinabi ni Assistant Director for Intelligence Service Eric Distor, modus ng mga suspek na magpautang sa mga kababayan nila na natatalo sa mga casino.
Aniya, nalaman nila ang operasyon ng sindikato nang magpasaklolo ang misis ng isa mga biktima na dinukot sa isang kilalang casino sa Paranaque City.
Ipinatutubos ang biktima sa halagang P2 milyon at nagawa na ng pinsan nito sa China na magbigay ng kalahating milyon piso ngunit hindi pa rin ito pinalaya.
Nang muling patawagin ang biktima sa kanyang mga kaanak para mangutang, ipinadala nito sa kanyang misis ang kanyang lokasyon sa pamamagitan ng GPS ng cellphone.
Nahaharap sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga suspek dahil sa nakumpiskang baril sa kanilang pag-iingat.