8 Chinese, 1 Pinoy huli sa kidnapping

By Jan Escosio July 16, 2019 - 12:46 PM

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong Chinese nationals na sinasabing sangkot sa pagdukot ng kanilang mga kababayan na narito sa Pilipinas.

Kinilala ang mga naaresto na sina Ben Tan, Haitao Wang, Dechun Qin, Yong Fei Chan, Xiao Qiang Yang, Dong Zheng Wen, Beijun Lin at Jun Wang.

Samantala, hinuli rin ang Filipino na si Jomar Demadante dahil siya umano ang nagbabantay sa mga dinudukot sa isang bahay sa Las Piñas City.

Sinabi ni Assistant Director for Intelligence Service Eric Distor, modus ng mga suspek na magpautang sa mga kababayan nila na natatalo sa mga casino.

Aniya, nalaman nila ang operasyon ng sindikato nang magpasaklolo ang misis ng isa mga biktima na dinukot sa isang kilalang casino sa Paranaque City.

Ipinatutubos ang biktima sa halagang P2 milyon at nagawa na ng pinsan nito sa China na magbigay ng kalahating milyon piso ngunit hindi pa rin ito pinalaya.

Nang muling patawagin ang biktima sa kanyang mga kaanak para mangutang, ipinadala nito sa kanyang misis ang kanyang lokasyon sa pamamagitan ng GPS ng cellphone.

Nahaharap sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga suspek dahil sa nakumpiskang baril sa kanilang pag-iingat.

TAGS: 8 chinese arrested, Kidnapping, Las Piñas City, NBI, Radyo Inquirer, 8 chinese arrested, Kidnapping, Las Piñas City, NBI, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.