Vice Ganda nakaharap na ang pamilya ng napapabalitang karelasyon na si Ion Perez

By Jimmy Tamayo July 16, 2019 - 12:38 PM

IG Photo
Nakaharap na ni Vice Ganda ang pamilya ni Kuya Escort Ion Perez.

Sa mga larawan na kumalat sa social media, makikita na magkakasama sina Vice at ang mother niyang si ginang Rosario Viceral katabi naman si ginang Zeny Perez ang nanay ni Ion.

Kuha ang mga larawan sa bahay nina Ion sa Concepcion, Tarlac.

Una itong pinost sa facebook ng isang Dianne Perez noong Lunes ng hapon (July 15).

Masaya namang tinanggap ng mga netizen ang nasabing larawan at marami ang nagpahayag ng suporta sa relasyon ng dalawa.

Si Ion ay pang-labing-isa sa labin-limang magkakapatid.

Hindi naman sinasabi sa chika kung ano ang okasyon sa pagdalaw ni Vice sa pamilya Perez.

TAGS: Ion Perez, Vice-Ganda, Ion Perez, Vice-Ganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.