Pulisya may tatlong person of interest na sa pagpatay sa broadcaster sa Kidapawan City

By Jimmy Tamayo July 16, 2019 - 12:13 PM

May tatlong person of interest ang North Cotabato Provincial Office sa pamamaslang sa mamahayag na si Eduardo Dizon sa Kidapawan City noong nakaraang linggo.

Inihayag ito ni Provincial Director Police Colonel Maximo Layugan sa Peace and Order Council meeting kahapon (July 16).

Sinuri na rin ang CCTV footage kung saan makikita si Dizon bago ito napaslang.

Tiwala naman si Layugan na mapapadali ang pagresolba sa kaso kasabay ng pagbuo ng Special Investigation Task Group na nakatutok sa pagpaslang sa brodkaster.

Si Dizon ay sakay ng kanyang sasakyan nang harangin ng mga salarin na naka-motorsiklo at pinagbabaril hanggang sa mapatay noong miyerkules, July 10.

TAGS: ambush, Kidapawan City, Media killings, person of interest, Radyo Inquirer, ambush, Kidapawan City, Media killings, person of interest, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.