Bagyong Falcon lalakas at magiging tropical storm sa susunod na 24 na oras; signal #1 nakataas pa rin sa 3 lugar sa bansa
Nasa West Philippine Sea pa rin ang bagyong Falcon at papalapit sa itaas na bahagi ng bansa.
Huling namataan ang bagyong Falcon sa layong 510 kilometers East ng Tuguegarao City.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Taglay ng bagyo ang kalas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, ngayong araw hanggang bukas, makararanas ng moderate hanggang heavy rains ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan, Occidental Mindoro, Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Panay Island, at Guimaras.
Light to moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa nalalabi pang bahagi ng Luzon at Visayas.
Bukas ng umaga hanggang sa Huwebes, July 18, moderate hanggang heavy rains din ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Zambales at Occidental Mindoro.
Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, CALABARZON, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Central Luzon at MIMAROPA.
Sa susunod na 24 na oras ay lalakas ang bagyong Falcon at magiging isang Tropical Storm.
Inaasahan din itong tatama sa kalupaan ng Babuyan – Batanes Islands bukas ng gabi.
Lalabas ng bansa ang bagyo sa Biyernes ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.