Dating empleyado ng punerarya arestado makaraang tangayin ang P1M na kuleksyon ng kumpanya

Arestado ang isang dating empleyado ng punerarya sa Tobacco City, albay matapos makapanloko at tumangay ng mahigit P1 milyon.

Ayon sa Tobacco City Police, dinakip ang suspek na si Blessilda Perez sa Barangay Bantayan.

Ito ay matapos tangayin ni Perez ang mahigit P1 milyon na kuleksyon niya mula sa mga klliyente ng Sanctuario de Albay Memorial Gardens Inc.

Natuklasan ding kahit nasibak na sa kumpanya si Perez ay nagpatuloy itong mangulekta ng bayad para ng mga kliyente.

Dahil dito, inireklamo ng may-ari ng funeral service at cemetery company si Perez na nagresulta sa pagkakadakip nito.

Read more...