Eroplano ng Cebu Pacific na biyaheng CDO bumalik sa NAIA dahil sa bird strike
Napilitang bumalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang eroplano ng Cebu Pacific makaraang atakihin ng bird strike.
Ayon sa kay Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta, alas 3:45 ng umaga nang mag-take off sa NAIA Terminal 3 ang flight 5J 381 na patungo dapat ng Cagayan De Oro City.
Pero bumalik ito ng NAIA dahil sa bird strike.
Kabilang sa sakay ng eroplano si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.
Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Roque na na-delay ang alis ng eroplano.
Nang maka-take off na ay nakarinig sila ng parang pagsabog at may naamoy na parang usok.
Doon na aniya bumalik sa NAIA ang eroplano.
Sinabi ni Logarta na inilipat ng ibang eroplano ang mga apektadong pasahero at nakaalis din agad alas 7:19 ng umaga.
Ligtas silang nakarating ng CDO airport alas 8:39 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.