Granada natagpuan malapit sa isang paaralan sa Kiblawan, Davao Del Sur

By Dona Dominguez-Cargullo July 16, 2019 - 10:54 AM

May natagpuang granada sa loob ng drainage canal sa Kiblawan, Davao Del Sur.

Ang lugar kung saan nakita ang granada ay ilang metro lamang ang layo sa isang elementary school.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Kevin King, team leader ng explosive and ordnance diisposal team, sira na ang fuse ng MK2 fragmentation grenade pero intact pa ang detonator nito.

Ang mga tauhan ng paaralan ang nakadiskubre ng pampasabog na agad tumawag sa Kiblawan police.

Dinala sa provincial plice headquarters ang granada para sa proper disposal.

Kaugnay nito ay hinikayat ng pulisya ang publiko na agad iulat sa kanila ang mga ganitong kahalintulad na insidente.

TAGS: Davao del Sur, explosives, grenade, kiblawan, Davao del Sur, explosives, grenade, kiblawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.