Nilinaw din ni Angara na sakop ng Republic Act 11314 ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon, maging ang mga TNVS, eroplano, barko at sa rail transport system.
Ayon kay Angara, 2007 pa lang ay isinusulong na niya ang expanded student fare discount kaya’t labis siyang natutuwa at batas na ito.
Dagdag pa ni Angara, isinusulong din niya na magkaroon ng diskuwento ang mga mahihirap na estudyante maging sa mga gamit pang-eskuwela, pagkain at gamot.
Samantala, sinabi naman ni Sen. Grace Poe na ikaluluwag ng mga estudyante sa kanilang pang araw-araw na gastusin ang bagong batas.
Nanawagan ito sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na tiyakin na ganap na masusunod ang batas.
Kasabay nito, gusto rin ni Poe na maibibigay sa sektor ng pampublikong transportasyon ang mga benepisyo at subsidiya na para naman sa kanila.