30 million na mag-aaral makikinabang sa mas pinalawig na student fare discount

By Jan Escosio July 16, 2019 - 10:42 AM

Sinabi ni Senator Sonny Angara na malaking tulong sa mga estudyante na buong taon ay may diskuwento sila sa pasahe.

Nilinaw din ni Angara na sakop ng Republic Act 11314 ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon, maging ang mga TNVS, eroplano, barko at sa rail transport system.

Ayon kay Angara, 2007 pa lang ay isinusulong na niya ang expanded student fare discount kaya’t labis siyang natutuwa at batas na ito.

Dagdag pa ni Angara, isinusulong din niya na magkaroon ng diskuwento ang mga mahihirap na estudyante maging sa mga gamit pang-eskuwela, pagkain at gamot.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Grace Poe na ikaluluwag ng mga estudyante sa kanilang pang araw-araw na gastusin ang bagong batas.

Nanawagan ito sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na tiyakin na ganap na masusunod ang batas.

Kasabay nito, gusto rin ni Poe na maibibigay sa sektor ng pampublikong transportasyon ang mga benepisyo at subsidiya na para naman sa kanila.

TAGS: Republic Act 11314, student fare discount, Republic Act 11314, student fare discount

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.