‘Term cutting’ sa mga senador maaring biro lang ni Rep. Alan Peter Cayetano ayon kay Sen. Tito Sotto III

By Jan Escosio July 16, 2019 - 10:28 AM

Kailangang amyendahan ang Saligang Batas para mabago ang termino ng mga senador.

Ito ang reaksyon ni Senate President Vicente Sotto III sa balakin ni presumptive House speaker Alan Peter Cayetano.

Aniya hindi rin kakayanin ng bagong batas ang nais ni Cayetano.

Kung magkakaroon man, dagdag pa ni Sotto, ay dadaan pa ito sa Senado at sa kanyang palagay ay agad itong ibabasura.

Dagdag pa ng senador maaring nagbibiro lang ang dati nilang kasamahan sa Senado.

May pahayag din si Cayetano na balak niya na palawigin naman ang termino ng mga kongresista.

TAGS: rep alan cayetano, senator tito sotto, Senators, term cutting, rep alan cayetano, senator tito sotto, Senators, term cutting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.