Paggamit ni Pangulong Duterte sa mutual defense treaty ng Pilipinas at Amerika sa West PH Sea dispute, sarcasm lang – Malakanyang

By Chona Yu July 16, 2019 - 09:40 AM

Nayayamot na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritiko na patuloy na bumabanat sa kanyang estratihiya sa China sa pagresolba sa sigalot sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sarcasm ang pahayag ng pangulo na gagamitin niya ang mutual defense treaty ng Pilipinas at Amerika kahit walang pag-atake para lamang matigil na ang Chinese militarization sa West Philippine Sea.

Ayon kay Panelo, naiinis na si Pangulong Duterte dahil ginagawa siyang pain ng mga kalaban para ipahamak ang Pilipinas.

Pero seryoso naman aniya ang pangulo sa pag-aaya sa mga kritiko partikular na kina dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at Senior Associate Justice Antonio Carpio na dalhin at sumakay sa seven fleet ng Amerika at sama-samang makipag-giyera sa China.

Ayon kay Panelo, hindi na umimik ang tatlo matapos ayain ni Pangulong Duterte na sumugod sa China.

Iginiit pa ni Panelo na kung nasabi man ng pangulo na gagamitin niya ang mutual defense treaty, ito ay dahil sa pinamumukha lang niya sa mga kritiko na maganda lamang ito para sa imahinasyon nila at hindi batay sa katotohanan.

TAGS: China, Mutual Defense Treaty, territorial dispute, West Philippine Sea, China, Mutual Defense Treaty, territorial dispute, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.