Ayon sa Taguig Police, nakilala ang mga biktima na sina Marlo Landreza at kaniyang kinakasama na si Girlie Gacer.
Ayon sa mga otoridad, isang concerned citizen ang tumawag sa kanila para iulat na may nangyaring shooting incident sa Maharlika Road alas 9:10 ng gabi ng Lunes (July 15).
Nang dumating sa lugar ang mga pulis ay nadatnan ang wala nang buhay na mga biktima.
Patuloy ang imbestigasyon sa krimen at inaalam kung sino ang mga suspek sa pamamaslang.
MOST READ
LATEST STORIES