Mag-live in partner patay sa pananambang sa Taguig

By Dona Dominguez-Cargullo July 16, 2019 - 09:28 AM

Patay sa pamamaril ang isang empleyado ng Taguig City Hall at kaniyang live-in partner sa Barangay Upper Bicutan sa Taguig.

Ayon sa Taguig Police, nakilala ang mga biktima na sina Marlo Landreza at kaniyang kinakasama na si Girlie Gacer.

Ayon sa mga otoridad, isang concerned citizen ang tumawag sa kanila para iulat na may nangyaring shooting incident sa Maharlika Road alas 9:10 ng gabi ng Lunes (July 15).

Nang dumating sa lugar ang mga pulis ay nadatnan ang wala nang buhay na mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen at inaalam kung sino ang mga suspek sa pamamaslang.

TAGS: ambush, Radyo Inquirer, Taguig City, ambush, Radyo Inquirer, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.