16 na pasahero stranded sa pantalan sa Bicol dahil sa bagyong Falcon

Labinganim na pasahero ang stranded sa pantalan sa Bicol dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Falcon.

Ayon sa Philippine Coast Guard, sa Pasacao Port sa Camarines Sur, mayroong 16 na mga pasahero ang stranded.

Hindi muna kasi pinapayagang maglayag ang mga sasakyang pandagat upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Kasabay nito, inabisuhan ng Coast Guard ang lahat ng kanilang unit na tiyaking ipinatutupad ang Memorandum Circular Number 02-13 o ang guidelines sa movement ng mga sasakyan pandagat kapag hindi maganda ang panahon.

Read more...