Pito arestado sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo July 16, 2019 - 08:52 AM

Arestado ang 6 na lalaki at 1 babae sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo, Maynila, Martes (July 16) ng umaga.

Target ng ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Abad Santos Police Station ang 24 anyos na si alyas Madam.

Ayon kay Police Captain Val Valencia, hepe ng Abad Santos Police Drug Enforcement Team, dati nang nakulong si Madam dahil din sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Sa naturang operasyon, naaresto si Madam at kaniyang asawa at isa pa nilang kasamahan.

Naaresto din ang apat na naaktuhang bumibili at gumagamit ng ilegal na droga.

Ayon kay Valencia sa iisang compound lamang nakatira si Madam at kanilang mga parokyano kaya madali para sa kanila ang transaksyon.

Aabot sa 20 sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad na tinatayang aabot sa P42,000 ang halaga.

TAGS: buy bust operation, Radyo Inquirer, Tondo Manila, War on drugs, buy bust operation, Radyo Inquirer, Tondo Manila, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.