Kasabay ng paggunita ng ika-29 na taon ng M7.8 na lindol sa Luzon; Hazard Hunter PH inilunsad ng Phivolcs

By Dona Dominguez-Cargullo July 16, 2019 - 08:28 AM

Ginugunita ngayong araw ang ika-29 na taon mula nang tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa Luzon noong 1990.

Ayon sa Phivolcs, 2,412 na katao ang nasawi sa nasabing lindol at labis itong naging mapaminsala at maraming gusali ang nawasak kabilang ang Hyatt Hotel sa Baguio City.

Kasabay ng anibersaryo ng naturang malakas na lindol, inilunsad ng Phivolcs ang bagong app na Hazard Hunter PH.

Layon nitong matulungan ang publiko na maging handa hindi lang sa lindol kundi sa iba pang mga kalamidad gaya ng pagputok ng bulkan, bagyo, baha at landslides.

Sinabi ni Director Renato Solidum, Undersecretary for Disaster Risk Reduction and Climate Change ng DOST, ang HazardHunderPH ay isang one-stop online application kung saan sa pamamagitan lamang ng isang click ay makikita ng publiko ang hazard assessment sa lugar kung saan sila naninirahan.

Ang HazardHunterPH ay produkto ng GeoRiskPH, isang multi-agency initiative na pinangungunahan ng DOST-PHIVOLCS at pinondohan ng DOST.

TAGS: app, earthquake, hazardhunterph, new app, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, app, earthquake, hazardhunterph, new app, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.