CGMA nakauwi na sa kaniyang bahay sa La Vista para ipagdiwang ang Pasko

By Erwin Aguilon December 23, 2015 - 09:35 AM

gloria-arroyoMaagang lumabas sa compound ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City ang convoy na naghatid kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kaniyang bahay sa Quezon City.

Si Arroyo ay umuwi sa kanilang tahanan sa La Vista, Barangay Pansol sa Quezon City para doon magdiwang ng Pasko matapos mapagkalooban ng Christmas furlough ng Korte Suprema.

Sa pasya ng Korte Suprema, ang Christmas furlough ng dating pangulo ay tatagal hanggang alas 5:00 ng hapon sa December 26 araw ng Sabado.

Matapos ito ay kinakailangan niyang muling bumalik sa VMMC at muli namang papayagang makauwi sa La Vista sa December 30, alas 8:00 ng umaga hanggang January 2, 2016 alas 5:00 ng hapon para magdiwang ng Bagong Taon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng matalik na kaibigan ni Arroyo na si dating Congresswoman Mitos Magsaysay na ‘high spirit’ ang dating pangulo pero talagang bagsak ang katawan nito.

Inihalintulad pa ni Magsaysay sa isang Grade 5 student si Arroyo dahil sa kapayatan. “Magandang-maganda siya ngayon she’s in high spirit, she’s excited dahil nakalabas siya ng veterans, nakasama niya ang pamilya niya. Pumayat talaga si Ma’am ng husto mula nang dinala siya sa Veterans,” ayon kay Magsaysay.

Dagdag pa ni Magsaysay mahina ang dating pangulo dahil maging ang isang tasa ay hindi nito kayang iangat ng mag-isa.

Ang holiday furlough para sa dating pangulo ay ekslusibo lamang sa kanilang bahay sa La Vista sa Quezon City at mahigpit ang utos ng Korte Suprema na hindi siya pwedeng magtungo sa ibang lugar.

TAGS: Arroyo to spend Christmas and New Year at La Vista, Arroyo to spend Christmas and New Year at La Vista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.