Red Alert status itinaas sa Cagayan Valley Region dahil sa bagyong Falcon
Mula sa Blue Alert ay itinaas na sa Red alert ang status sa Cagayan Valley Region dahil sa bagyong Falcon.
Sa kautusan ni Cagayan Valley Region Disaster Risk Reduction and Management Council Director Dante Balao, pinaghahanda ang lahat ng lokal na pamahalaan sa rehiyon.
Inaatasan ang lahat ng member agencies ng Cagayan RDDRM na panatilihing may naka-duty na tauhan, pairalin ang alert protocols at i-monitor ang kanilang nasasakupan.
Partikular na pinamomonitor ang posibleng pagbaha at landslides.
Nakasaad din sa kautusan ang pagpapatupad ng pre-emptive at force evacuation kung kakailanganin.
Nakataas ang public storm warning signal number 1 sa Northern Isabela, Cagayan, at Batanes dahil sa bagyong Falcon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.