World Health Organization may paalala upang maiwasan ang sakit na dengue

Matapos ideklara ng Department of Health (DOH) ang National Dengue ALert, nagpalabas ng mga paalala ang World Health Organization (WHO) para makaiwas sa sakit.

Ayon sa WHO, kung walang lamok ay walang sakit na dengue kaya dapat gawin ng publiko ang kanilang responsibilidad para malinis ang mga lugar na posibleng maging breeding sites ng lamok.

Sinabi ng WHO na ang mga water storage containers na hindi ginagamit ay dapat tiyak na walang natitira kahit kaunting tubig at kung may tubig naman ay dapat takpan ng mabuti.

Ang mga flower vases, plant pots at pet bowls ay dapat laging nililinis.

Ang mga gutter ay dapat laging nililinis at tinitiyak na walang stagnant na tubig.

An mga hindi ginagamit na containers at iba pang bagay na maaring maimbakan ng tubig ay mabuting itapon na lamang.

Ang mga container na nakatago ay baligtarin para hindi maipunan ng tubig kapag umuulan.

Paaalala ng WHO, maging ang maliit na takip ng bote ay pwedeng pangitlugan ng lamok kaya dapat talagang doble-ingat ang publiko.

Read more...