PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw ng Martes, July 16

By Dona Dominguez-Cargullo July 16, 2019 - 07:49 AM

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Maynila, Laguna, Quezon, at Malabon.

Sa abiso ng Meralco, sa pagitan ng alas 8:30 ng umaga at alas 2:30 ng hapon mamaya ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Batangas Street sa Tondo Maynila.

Magpapalit ng poste ang Meralco sa kahabaan ng Almeda Street sa Tondo.

Sa Sta. Rosa City Laguna naman, sa pagitan ng alas 9:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon mamaya ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay Sinalhan.

Sa bayan ng Sariaya sa Quezon, sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa Barangay 4.

Sa Malabon, sa pagitan ng alas 11:00 ng gabi mamaya at alas 5:00 ng umaga bukas ang power interruption sa maraming lugar sa Barangay Potrero.

TAGS: Malabon, manila, Meralco, power interruption, public service, Quezon, Radyo Inquirer, sta. rosa city, Malabon, manila, Meralco, power interruption, public service, Quezon, Radyo Inquirer, sta. rosa city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.