WALANG PASOK: Listahan ng mga lugar na nagdeklara ng class suspension ngayong araw, July 16
(UPDATED) Dahil sa pag-ulan dulot ng bagyong Falcon at Habagat nagdeklara na ng suspensyon ng klase sa ilang mga lugar.
Narito ang mga lugar na nagsuspinde ng klase ngayong araw ng Martes, July 16:
• Cavite City (all levels, public at private)
• Biliran Island province (all levels, public at private)
• Iloilo City (pre-school to senior high school)
• Albay:
Guinobatan (all levels, public at private)
Polangui (all levels, public at private)
Libon (all levels, public at private)
Ligao City (all levels, public at private)
• Kapatagan town, Lanao del Norte (all levels, public at private)
• Marawi City, Lanao del Norte (preschool to high school)
Umaga pa lamang ng Martes nagpalabas na ng thunderstorm advisory ang PAGASA at sinabing katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang nararanasan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan kasama na ang Cavite.
Sa weather forecast din ng PAGASA ngayong araw, dahil sa Habagat ay katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa MIMAROPA, Western Visayas, Albay, Masbate, Sorsogon at Northern Samar dahil sa Habagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.