12 arestado sa sinalakay na drug den sa Makati
Aabot sa 12 katao ang nadakip sa dalawang hinihinalang drug den na sinalaklay ng mga otoridad sa Makati City.
Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – National Capital Region (NCR) ang dalawang drug den sa Barangay Olympia.
Ayon kay Vlain Canlas, tagapagsalita ng PDEA-NCR, unang pinuntahan ang bahay nina alyas Elbi at Buwaya na kapwa nasa drugs watchlist ng PDEA.
Nakuha sa bahay ang 18 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 10 gramo.
Maliban kina Elbi at Buwaya at dinakip din ang tatlo pa nilang kasamang nadatnan sa bahay.
Sa isa pang bahay sa barangay, nakumpiska din ng mga tauhan ng PDEA ang 15 sachet ng hinihinalang shabu at 24 na sachet ng hinihinalang marijuana.
Naaresto sa ikalawang bahay ang isang alyas Inday at anim niyang kaanak at mga parokyano.
Ayon sa PDEA, ang dalawang grupo ay supplier ng ilegal na droga sa mga tricycle driver at pedicab driver sa lugar.
Tinatayang aabot sa P185,000 ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga ng PDEA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.