1 kilo ng marijuana nasabat sa buy-bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas July 16, 2019 - 04:48 AM

Arestado ang dalawang lalaki at isang babae sa buy-bust operation sa V. Luna cor. East Avenue, Quezon City, pasado alas-10:00 Lunes ng gabi.

Ayon sa QCPD Station 7, nakuhaan ang mga suspek ng isang kilong marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P120,000.

Segurista pa umano ang mga suspek dahil naging maingat ang mga ito sa pagbibigay ng marijuana sa nagpanggap na poseur buyer.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang tatlo ang pinagkukunan ng marijuana ng ilan sa mga naaresto na ring suspek.

Target din ng mga suspek ang mga estudyante.

Pinabulaanan naman ng tatlo na sa kanila ang nakuhang mga marijuana.

 

 

 

TAGS: 1 babae, 1 kilo, 2 lalaki, arestado, buy bust, Marijuana, quezon city, 1 babae, 1 kilo, 2 lalaki, arestado, buy bust, Marijuana, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.