Missiles, matataas na kalibre ng armas nakuha sa 3 lalaki sa Italy

AP photo

Inaresto ng mga pulis sa northern Italy ang tatlong lalaki kabilang ang isang may kaugnayan sa pasistang political party matapos masamsam ang matataas na kalibre ng armas, missile at Neo-Nazi propaganda.

Nagsagawa ng raids ang anti-terrorism police matapos ang imbestigasyon sa ilang Italians na naging bahagi ng rebelyon sa eastern Ukraine.

Ang sigalot sa nasabing bansa ay suportado umano ng ilang Russian forces.

Ayon sa pulisya, ang missile na nakuha ay ginamit ng Qatari army.

Samantala, kabilang sa nakumpiska ay 30 huntring rifles, pistols at bayoneta.

Higit 10,000 katao na ang nasasawi dahil sa rebelyon sa eastern Ukraine simula April 2014.

 

 

Read more...