Malawakang protesta isinagawa laban sa lumalalang working conditions sa bansa
Nagsagawa ng kilos-protesta ang labor groups sa iba’t ibang bahagi ng bansa kahapon, July 15 para ipahayag ang pagkadismaya sa lumalalang working conditions sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ang protesta ay tinawag na #PaydayProtest dahil ginawa ito kasabay ng araw ng sahod.
Ayon kay Lito Ustarez, Kilusang Mayo Uno (KMU) vice chair, sa loob ng tatlong taon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay wala pang malawakang pagbabago ang naipatupad para maisaayos ang kapakanan ng mga mangagawa.
Milyun-milyong mangagawa at kanilang mga pamilya umano ang nakararanas ng gutom.
Sinabi ni Ustarez, hindi pa natutupad ng presidente ang pangakong mas mataas na sahod at regularisasyon sa lahat ng manggagawa.
Itinulak pa anya ang mga polisiyang kontra manggagawa tulad ng aaprubahang Security of Tenure (SOT) na inaasahan umano nilang magbibigay-daan para gawing lehitimo ang lahat ng iligal na uri ng kontraktwalisasyon.
Ipinanawagan din ng grupo sa mga mambabatas ng 18th Congress na magpasa ng batas para sa P750 national minimum wage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.