Maynilad inuulan ng reklamo dahil sa malabong tubig, water shortage

Credit: Awel Moto

Sumugod sa tanggapan ng Maynilad kahapon, araw ng Lunes, ang ilang mga consumers kasama ang Gabriela para iprotesta ang nararanasang water shortage at ang malabong tubig.

Gamit ang mga tabo, balde at posters, ipinahayag ng mga consumer ang pagkadismaya sa serbisyo ng Maynilad at tinawag na peke ang ‘water crisis’.

Gabriela photo

Panawagan ng Gabriela ang ‘zero billing’ o hindi paninigil ng Maynilad dahil sa putol-putol na serbisyo.

Viral ngayon sa social media ang mga larawan at video ng malabong tubig na lumalabas sa mga gripo mula sa mga lugar na sinusuplayan ng Maynilad.

Pero paliwanag ng Maynilad, ang pagkakaroon ng kulay ng tubig ay dahil sa service interruptions.

Kapag binabalik umano ang serbisyo sa tubig ay sumasama ang mga mineral deposit na nasa loob ng mga tubo dahil sa biglang lakas ng daloy ng tubig.

Ayon pa kay Maynilad corporate communications head Jennifer Rufo, hindi delikado at ligtas inumin ang malabong tubig.

“This is not harmful, this will dissipate, just let the water stand in a container,” ani Rufo.

Sinabi pa ni Rufo na hanggang may krisis sa tubig ay patuloy ang water interruptions dahil 36 cubic meters per second pa rin ang alokasyon ng tubig para sa Metro Manila.

Read more...