Mga sundalo patuloy na makakasakay nang libre sa LRT-2
Patuloy na magbibigay ang Light Rail Transit Administration (LRTA) ng libreng sakay para sa mga sundalo sa Light Rail Transit (LRT) – 2.
Ito ay matapos lumagda ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at LRTA sa isang memorandum of agreement araw ng Lunes.
Ang libreng sakay ay tatagal ng tatlong taon.
Kailangan lamang ng mga sundalo na magpakita ng kanilang kasalukuyang officially-issued AFP IDs para makasakay ng libre sa tren.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni AFP’s Civil Relations Service (CRS) Major General Bienvenido Datuin Jr. ang pamunuan ng LRTA dahil sa pagkilala sa pagsusumikap ng militar na masiguro ang seguridad ng publiko.
“The morale of soldiers are getting high with all of these efforts, knowing that our service are truly appreciated by our brother Filipinos,” ani Datuin.
Para naman kay LRTA Administrator Reynaldo Berroya, tribute ito ng gobyerno para sa mga sundalo at masaya silang maging bahagi ang libreng sakay ng kanilang corporate social responsibility.
“Ito ang tribute ng ating pamahalaan sa ating mga sundalo. Kami po sa LRTA ay nagagalak na ito ay gawin at naging part na rin ng aming corporate social responsibility,” ani Berroya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.