Ex-PNoy hindi ulit dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte
Hindi muli dadalo si dating Pangulong Benigno Aquino III sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.
Simula nang bumaba sa pwesto noong 2016 ay hindi dumalo si Aquino sa mga SONA ni Duterte.
Papanoorin na lamang niya anya muli sa telebisyon ang SONA.
Bilang pagsunod sa tradisyon at protocol, ang mga dating pangulo ay inimbitahan sa ikaapat na SONA ni Duterte.
Samantala, kinumpirma na ng Office of the Vice President ang pagdalo ni Vice President Leni Robredo sa SONA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.