LOOK: Maine Mendoza ibinahagi ang ‘rare photo’ nila ni Arjo Atayde

By Len Montaño July 16, 2019 - 03:32 AM

Maine Mendoza IG

Limang buwan makalipas nilang kumpirmahin na sila ay “exclusively dating” na, tila lalong tumatatag ang relasyon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Patunay dito ang pinakahuling litrato na ibinahagi ni Maine sa social media.

Sa kanyang Instagram stories ay makikita ang “rare photo” nina Maine at Arjio kung saan hindi na tago ang kilos ng dalawa.

Makikita sa larawan na hayagang nakalagay ang kanang braso ng binata sa kanang braso ng dalaga.

Kinunan ang litrato sa isang fundraising project na inorganisa ni Maine na tinawag na “Shop Bid Donate 4” kung saan ibinenta nito ang kanyang mga personal na gamit at ang napagbentahan ay para sa benefit ng mga organisasyon na tumutulong sa mga nakakatanda at bata.

Sa caption ay nagpasalamat si Maine sa mga tumulong at sumuporta sa kanyang proyekto.

Tiniyak nito na ang proceeds ng proyekto ay mapupunta sa kanyang anyay “happy projects” na tutulong sa mga nangangailangan.

Bagamat wala pang kumpirmasyon at opisyal na pag-amin na sila na nga, una nang sinabi ni Arjo na masaya at kuntento siya sa relasyon nila ni Maine.

Nangako pa ang aktor na hindi niya sisirain ang relasyon nila ng dalaga.

 

TAGS: Arjo Atayde, exclusively dating, fundraising project, Maine Mendoza, rare photo, Shop Bid Donate 4, Arjo Atayde, exclusively dating, fundraising project, Maine Mendoza, rare photo, Shop Bid Donate 4

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.