Muling nakapagtala ng aftershock sa Makilala, North Cotabato makaraan ang magnitude 5.6 na lindol noong July 9.
Ayon sa Phivolcs, isang magnitude 3.0 na lindol ang yumanig sa 15 kilometro Timog-Kanluran ng Makilala alas-12:54 Martes ng madaling araw.
May lalim ang pagyanig na anim na kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Intensity III at Instrumental Intensity II ang naitala sa Kidapawan City.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang panibagong pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.