Pagpapasara ng DepEd sa lumad schools sa Davao kinondena ng Makabayan bloc
Kinondena ng Makabayan bloc sa Kamara ang pagpapasara ng Department of Education (DepEd) sa 55 Lumad schools sa Davao Region na pinapatakbo at pag-aari ng Salugpungan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Center.
Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat na isang Lumad Manobo, ang hakbang ng DepEd na suspindehin ang permit to operate ng 55 Lumad schools ay paglabag sa right to education ng mga batang Lumad.
Sinabi nito na ang nais ng DepEd ay hindi mamulat sa tunay na katotohanan ang mga Lumad para patuloy lang silang lokohin, apihin at tanggalan ng karapatan para madali lang nila agawin ang lupang ninuno na siyang buhay ng mga katutubong Lumad.
Iginiit ng mambabatas na sa halip na gipitin at ipagkait ng DepEd ang edukasyon ng mga Lumad ay dapat pa nga nilang kilalanin at tulungan ang pagpupursigi ng mga katutubo.
Para naman kay Kabataan party-list Representative Sarah Elago ang temporary closure ay dahil sa sulsol ng anti-insurgency task force led by National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.
Kinukwestyon din ni Elago ang pagiging evaluators ng militar sa school performance at kung bakit ito nagpapasya para sa mga school children.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.