Mayor Isko pinatanggal ang mga tindahan at pinalinis ang Lagusnilad Underpass

By Angellic Jordan July 16, 2019 - 12:44 AM

Manila PIO photo

Matapos ang clean-up drive sa Divisoria, Liwasang Bonifacio, Quiapo at iba pang parte ng Maynila, ipinag-utos na rin ni Mayor Isko Moreno ang pagtatanggal ng mga tindahan at paglilinis sa Lagusnilad Underpass sa tapat ng City Hall.

Sa Facebook live ng alkalde, sinuyod ni Moreno ang underpass para inspekyunin ang daan na nagkokonekta sa city hall at Intramuros.

Makikita rin sa video ang pagpapaalis ng mga tauhan ng city hall sa mga tindero at nakaharang na stalls sa lugar.

Personal na nakita rin ng alkalde ang mga dumi at kalat ng basura kaya agad nitong pinalinis ang naturang underpass.

Lumabas sa mga ulat na maraming tindero sa nasabing underpass ang walang business permit.

Hindi rin nagbabayad ang mga tindero ng buwis sa city hall.

Matapos ang operasyon, sinabi ni Moreno na ang underpass ay para na muli sa taumbayan.

TAGS: business permit, buwis, city hall, clean up, Lagusnilad Underpass, Mayor Isko Moreno, nilinis, tindahan, business permit, buwis, city hall, clean up, Lagusnilad Underpass, Mayor Isko Moreno, nilinis, tindahan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.