MMDA bumuo ng disaster at emergency response office
Bumuo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Metropolitan Public Safety Office (MPSO) na tututok sa disaster at emergency response ng ahensya.
Kabilang sa MPSO ang lahat ng unit ng ahensya na may responsibilidad sa paghahanda at pagresponde tuwing panahon ng kalamidad o sakuna.
Ayon kay MMDA chairman Danilo Lim, mandato nito na bumuo at pagpatupad ng mga polisiya para sa kaligtasan ng publiko.
Pangungunahin din nito ang implementasyon ng mga contingency plan para sa rehabilitasyon at relief operations katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Narito ang mga sangay ng MPSO:
– Public Safety Division
– Road Emergency Group
– Metro Manila Emergency Volunteer Corps
– Metro Manila Crisis Monitoring and Management Center
– Rescue Battalion Headquarters and Disaster Preparedness Training Center
Pamumunuan ang MPSO ni Michael Salalima mula sa Disaster Risk Reduction Management ng MMDA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.