Taas-presyo sa produktong petrolyo epektibo na Martes ng umaga
Sa ikalimang sunod na linggo, mayroong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Epektibo alas 6:00 umaga ng Martes (July 16), nasa P1.05 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.70 sa kada litro ng diesel at P0.70 rin sa kada litro ng kerosene.
Mula June 18 hanggang ngayong araw, mahigit P3 na ang itinaas ng presyo sa kada litro ng gasolina habang parehong mahigit P2 sa kada litro ng diesel at kerosene.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang patuloy na oil price increase ay dahil sa mga pagbabago sa international market sa Estados Unidos.
Partikular na sinabing dahilan ng DOE ang limitasyon sa produksyon ng langis sa Gulf of Mexico at patuloy na tensyon sa pagitan ng United Kingdom at Iran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.