VP Robredo dadalo sa SONA ni Pang. Duterte sa July 22
Dadalo si Vice President Leni Robredo sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.
Kinumpirma ito ng Office of the Vice President (OVP), araw ng Lunes (July 15).
Simula taong 2016, dumalo si Robredo sa mga nagdaang SONA ni Duterte ngunit pagkatapos nito ay hindi nagpapaunlak ng panayam sa media.
Matatandaang ipinagbawal ang pagdalo ng bise presidente sa mga Cabinet meeting simula noong December 2016 dahil sa umano’y binubuong ouster plot ng Liberal Party (LP) laban sa pangulo.
Dati ring itinalaga ni Robredo bilang secretary ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.