Mga doktor sa liposuction ng nasawing ginang sa Makati, kinasuhan na

Sinampahan na ng kaso ang dalawang doktor na nagsagawa ng liposuction procedure sa isang 43 anyos na ginang sa isang cosmetic clinic sa Makati City.

Ayon kay Police Major Gideon Ines, hepe ng Makati City Police, inihain ng panganay na anak ng biktima na si Nory Bobadilla ang reklamong reckless imprudence resulting to homicide sa mga doktor na sina Claudine Roura at Katrina Bulseca.

Ang dalawa ay mga doktor sa Contours Advance Face and Body Sculpting sa Paseo de Magallanes sa nasabing lungsod.

Mula Negros Occidental, pumunta sa clinic ang biktima para sumailalim sa naturang procedure sa halagang P460,000.

Ilang araw na comatose si Bobadilla sa Parañaque Doctor’s Hospital bago pumanaw noong July 6.

Sarado na ang naturang clinic dahil sa insidente pero nadiskubre na paso na ang business permit nito noon pang 2011.

 

Read more...