12 sakay ng lumubog na bangka sa Southern Leyte, patuloy na hinahanap

By Angellic Jordan July 15, 2019 - 11:31 PM

Patuloy ang search and rescue operations para sa 12 kataong sakay ng lumubog na bangka sa karagatang sakop ng Southern Leyte, araw ng Lunes (July 15).

Ayon kay Sergeant Jerf Alvarez mula sa Philippine Coast Guard (PCG) sa Maasin, rumesponde na ang kanilang mga tauhan sa lugar kasama ang pulisya at ilang opisyal sa pamahalaang lokal ng Limasawa.

Napaulat na isang hindi pa nakikilalang pari ang kabilang sa mga pasahero ng bangka.

Patungo sana ang bangka sa bayan ng Limasawa mula sa Padre Burgos nang lumubog ito dahil sa malakas na alon at ulan dulot ng Tropical Depression Falcon.

Sa ngayon, inaalam pa kung mayroong nasawi sa insidente.

 

TAGS: 12 pasahero, Bagyong Falcon, bangka, hinahanap, lumubog, maasin, philippine coast guard, search and rescue operation, southern leyte, 12 pasahero, Bagyong Falcon, bangka, hinahanap, lumubog, maasin, philippine coast guard, search and rescue operation, southern leyte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.