PNP record ng drug war, hindi ibibigay ng Pilipinas sa UNHRC
Nagdadalawang-isip ang Palasyo ng Malakanyang na ibigay ng Philippine National Police (PNP) ang record ng anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi ilalabas ng Palasyo ang record kung gagamitin lamang ng UNHRC ang datos para ipahiya ang Pilipinas.
“It is discretionary on the part of a sovereign government to respond or not to respond to any question relative to anything concerning the affairs of this government. If we feel that the question is legitimate, we will respond but if the question is only designed to fish information that it will use – by the inquiring country – to embarrass this government, certainly we will not oblige,” ani Panelo.
Hinikayat din ni Panelo ang publiko na paniwalaan ang record ng PNP dahil hindi nila anya trabaho ang magsinungaling kundi ang panatilihin lamang ang peace and order sa bansa.
“When the PNP says that is the figure, then that is the recorded figure and everyone should believe that because PNP is not in the business of lying, it is in the business of securing’s peace and order in this country,” dagdag ng Kalihim.
Base sa talaan ng PNP, mahigit 6,000 drug personalities na ang napatay sa anti-drug war campaign taliwas sa datos ng ibang human rights group na nasa 27,000 na ang napapatay sa kampanya kontra sa illegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.