Higit P2.5M halaga ng shabu, nakumpiska sa Navotas City

NPD photo

Nasamsam ng pulisya ang mahigit P2.5 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Brgy. NBBS sa Navotas City Lunes ng tanghali.

Ayon sa Navotas City Police, arestado ang babaeng suspek na si Monalisa Doria alyas Holy, 44 anyos at walang trabaho.

NPD photo

Narekober mula kay Doria ang 2 maliit na pakete ng hinihinalang shabu na may 0.29 gramo at limang pakete na may 382 gramo.

Matagal ng minamanmanan ng mga otoridad ang suspek bago ito mahuli.

Bukod kay Doria, napag-alaman na sangkot rin sa droga ang live-in partner nitong si alyas Michael na dati nang naaresto at may nakabinbin na drug related case.

NPD photo

Nasa kustodiya na ng pulisya si Doria at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

 

Read more...