Bagyong Falcon, bahagyang lumakas habang binabagtas ang Silangang bahagi ng Aurora
Bahagyang lumakas ang Tropical depression Falcon.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, huling namataan ang bagyo sa layong 1,025 sa Silangang bahagi ng Aurora.
Lumakas ang taglay na hangin ng bagyo sa 55 kilometers bawat oras malapit sa sentro nito.
Posible naman aniyang umabot ang pagbusgo sa 65 kilometers bawat oras habang binabagtas ang direksyong northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Gayunman, sinabi ni Perez na walang itinaas na tropical cyclone warning sa buong bansa.
Ngunit habang papalapit ang bagyo sa bahagi ng Northern Luzon ay posibleng magtaas nito simula Martes ng umaga.
Patuloy naman aniyang pag-iibayuhin ng bagyo ang hanging habagat dahilan ng mararanasang pag-uulan sa Kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Mas titindi rin aniya ang pag-ulan sa Hilaga at Katimugang bahagi ng Luzon.
Samantala, nagtaas na ang weather bureau ng gale warning sa Silangang bahagi ng Visatas at Mindanao.
Posible kasi aniyang umabot sa 4.5 meters ang taas ng alon partikular sa Samar, Leyte, Surigao Provinces, Davao Oriental, Dinagat Island at Siargao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.