Mga suspek sa Metrobank robbery sa Maynila kilala na

By Clarize Austria July 15, 2019 - 08:01 PM

Photo: Manila PIO

Pinangalanan ng Manila Police Districy ang mga hinihinalang suspek sa pagnanakaw sa Metrobank Binondo Branch sa Maynila noong July 12.

Ang mga tinitignang miyembro ng robbery group na nagnakaw sa naturang bangko ay sina Marlon Parajinog alyas Ailon na lider ng gurpo, Noli Bonifacio Casuela alyas Lito Dapitan na subleader ng grupon, Gilcar Dumagan Mofan alyas Jing Mofan,Frederex Secretario, at isang Michael na may alyas na Pilay at Batang Calunod.

Ayon kay Manila Police District Chief Bridagier General Vicente Danao, ang lider ng grupo na si  Marlon Parojinog ay kamag-anak umano ng mga Parajinog ng Ozamiz City sa Misamis Occidental.

Mayroon din aniyang 10 kasapi ang samahan na tinatawag na “Parajinog Group” o “Bonifacio Group” na kasapi rin ng isang notorious group.

Responsable din aniya ang grupo sa panloloob sa Metrobank Cagayan Branch dahil sa kaparehas na modus operandi at tumira din ang lima sa nasabing lalawigan.

Bagamat kinilala na ang mga suspek ay hindi pa rin inilalabas ang halaga ng perang nakuha mula sa bangko.

Nauna dito ay nag-alok ng P1 Million reward si Manila Mayor Isko Moreno para sa mabilis na ikadarakip ng mga suspek.

TAGS: Binondo, manila, Metrobank, morreno, parojinog, Binondo, manila, Metrobank, morreno, parojinog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.