Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magbibigay ng discount sa pasahe sa mga estudyante sa lahat ng klase ng transportasyon.
Base sa Republic Act 11314 o Student Fare Discount Act, makakukuha ng 20 percent na discount ang mga estudyante sa pasahe basta’t tiyakin lamang na may maipiprisinta na identiciation card o enrollment form.
Kasama sa discount ang public utility bus, mga jeepney, tricycle taxi, eroplano at mga barko.
Hindi saklaw ng batas ang mga shuttle at school service pati na ang mga tourist service.
Labing limang pisong multa at kanselasyon ng certificate of public convenience ang maaring kakaharapin ng mga may-ari ng pampublikong sasakyan kapag hindi tumalima sa batas.
Noong April 17 pa nilagdaan ng pangulo ang batas subalit ngayon lamang inilabas ng palasyo ang dokumento hingil dito.
May nakalaang parusa naman para sa mga estudyante na gagamit ng mga pekeng ID para makakuha ng discount sa pasahe.