Malacanang: Diplomatic negotiation mananatilng opsyon ni Duterte sa WPS

By Chona Yu July 15, 2019 - 03:02 PM

Sinupalpal ng Malacanang ang anim na non-war options ni Senior Associate Justice Antonio Carpio para idiga ng Pilipinas ang arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration na nagsasabing walang basehan ang nine dash line na claim ng China sa South China.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinag-aralan na ni Duterte ang isyu sa South China Sea bago pa man naupong pangulo ng bansa.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na ang diplomatic negotiation ang nakita ni Pangulong Duterte na pinakamabisang paraan para resolbahin ang sigalot ng Pilipinas at China sa South China Sea.

Hindi na aniya mababago ang isip ng pangulo kundi ang idaan sa diplomasya ang naturang usapin.

Kabilang sa mga panukala ni Carpio ay ang pagkakaroon ng convention ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Indonesia at Brunei na mayroong conflicting territorial claims sa South China Sea para ma-isolate ang China na bukod tanging disputant state sa Exclusive Economic Zone ng spratly islands.

Iginiit rin ni Carpion ang paghahain ng Pilipinas ng extended continental shelf claim sa West Philippine Sea na lampas sa 200-nautical EEZ sa dalampasigan ng  Luzon, pagpapatrolya sa West Philippine Sea gamit ang damping multi role response vessel na ibinigay ng Japan at paghihikayat sa “freedom of navigation and overflight of naval powers gaya ng US, UK, France, Australia, Japan, India at Canada sa karagatang sakop ng bansa.

Kasama rin sa panukala ang pag-imbita sa Vietnam, Malaysia, Indonesia at Brunei para sa pagsasagawa ng navigation operations sa kani-kanilang EEZs at pag suporta sa private sector para sa pagpapatupad sa arbitral claims

TAGS: Brunei, Carpio, China, duterte, EEZ, panelo, Vietnam, West Philippine Sea, Brunei, Carpio, China, duterte, EEZ, panelo, Vietnam, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.