P80,000 cash incentives sa lahat ng Filipino na aabot sa edad na 80 isinusulong sa Kamara
Isinusulong ng isang neophyte congressman ang panukalang pagbibigay ng P80,000 cash incentives sa lahat ng Filipino na aabot sa kanilang ika-80 taon kaarawan.
Sa House Bill No. 907 na inihain ni Ako Bisaya Party-list Rep. Sonny Lagon, layon nito na maamyendahan ang pagbibigay ng financial benefits sa mga centenarians sa ilalim ng Republic Act No. 10868.
Paliwanag pa ni Lagon, nais nila na maging accessible ang cash gift sa mga Filipino at ma-enjoy nila ito sa takip-silim ng kanilang mga buhay kung saan mas kailangan nila ang mga gamot at iba pa.
Sa ilalim ng RA 10868 o ang Centenarian Act of 2016 kung saan ang mga Filipino na aabot sa 100 taon naninirahan man dito sa Pilipinas o abroad ay mabigyan ng reward na P100,000.
Subalit para kay Lagon, ang mga filipino na 80 taong gulang ay dapat ma-enjoy din ang katulad na benepisyo.
Bagamat pinapurihan ang RA 10868, kakaunti na lamang umano ang mga Filipino na umaabot sa 100 taon para ma-enjoy pa nila ang mga ganitong benepisyo.
Base aniya sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) noong 2018 na ang average life expectancy ng mga Filipino ay 69.3 years old na lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.