Sinabi ni Cayetano mag-oovertime sila kapag naupo na siya bilang house speaker para maabot ang target date na Disyembre.
Maituturing aniyang national bill ang OFW Department kaya maaaring magkaroon na ng sabay na pagdinig ang Kamara at Senado para agad itong maipasa.
Paliwanag pa ni Cayetano, malaki ang bentahe ngayon ng magandang ugnayan sa pagitan ng dalawang kapulungan lalo’t magsasagawa ng buwanang pagpupulong ang speaker at senate president pati na ang mga kinatawan ng executive department.
Ito’y para maisulong ang priority legislations ng administrasyong Duterte sa lalong madaling panahon.
Samantala, bukod sa Department of OFW Bill ay target rin ni Cayetano na agarang maipasa ang 2020 National Budget at ikalawang tranche ng Tax Reform Program kapag naluklok na siya sa puwesto.