Kamara doble kayod ang gagawin para maisabatas ang Department of OFW – Rep. Cayetano
Tiniyak ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na magdodoble-kayod ang Kamara para matupad ang target ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisabatas ang paglikha ng Department of OFW.
Sinabi ni Cayetano mag-oovertime sila kapag naupo na siya bilang house speaker para maabot ang target date na Disyembre.
Maituturing aniyang national bill ang OFW Department kaya maaaring magkaroon na ng sabay na pagdinig ang Kamara at Senado para agad itong maipasa.
Paliwanag pa ni Cayetano, malaki ang bentahe ngayon ng magandang ugnayan sa pagitan ng dalawang kapulungan lalo’t magsasagawa ng buwanang pagpupulong ang speaker at senate president pati na ang mga kinatawan ng executive department.
Ito’y para maisulong ang priority legislations ng administrasyong Duterte sa lalong madaling panahon.
Samantala, bukod sa Department of OFW Bill ay target rin ni Cayetano na agarang maipasa ang 2020 National Budget at ikalawang tranche ng Tax Reform Program kapag naluklok na siya sa puwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.