Bagyong Falcon bahagyang bumilis, lalakas pa at magiging isang tropical storm
Bahagyang bumilis ang kilos ng tropical depression Falcon.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 940 kilometers east northeastng Virac, Catanduanes o sa 1,150 kilometers east ng Casiguran Aurora.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.
Ayon sa PAGASA, tatama sa kalupaan ng extreme northern Luzon ang bagyo sa Miyerkules ng tanghali o gabi.
Bago ito mangyari ay lalakas pa ang bagyo at magiging isang tropical storm.
Sa ngayong nagpapaulan na ang extension ng bagyo sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Bukas araw ng Martes (July 16) sinabi ng PAGASA na makararanas na ng katamtaman hanggang sa malakas na monsoon rains ang MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro.
Habang sa Miyerkules, uulanin na rin ang Metro Manila, CALABARZON, Western Visayas, Central Luzon at MIMAROPA dahil sa Habagat.
Bukas ng umaga ay maaring magtaas na ng tropical cyclone warning ang PAGASA sa ilang bahagi ng Northern Luzon dahil sa bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.