Dating teen actress, 4 na iba pa arestado sa buy bust sa Cavite

Arestado sa ikinasang buy-bust operation sa Cavite ang isang dating teen star at apat pang kasamahan nito.

Ikinasa ang operasyon sa loob ng isang subdvision sa Barangay Mambog 4 sa Bacoor City.

Ayon sa Bacoor police, target ng kanilang buy-bust si Vladymir Bersana na live-in partner ng dating teen actress na si Angela Bobis o Angela Zamora sa showbiz.

Maliban sa maglive-in partner inaresto din ang tatlo nilang kasamahan na sina Floro Lopez, Jovencio Isler at Christian Lawrence Macanlalay.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Read more...